“NILIMOT NA
KAHAPON”
Rolando H.
Amboc Jr.
Kay sarap magtampisaw sa
ilalim ng ulan
Kay sayang pagmasdan mga
bituin sa kalangitan
Maging simoy ng hangin na kay
sariwang langhapin
Liga’y abot kamay pag-ikaw
ang kapiling
Naalala ko pa ng tayo’y
nagsasaranggola
Sa gitna ng kadalisayan
masaya tayong tumatawa
Ang lubid na hawakhawak
natin sa tuwina
Ay may sulat na nakasabit
pangako natin sa isa’t isa
Pero sadya ngang kay lupit
nitong tadhana
Ang bukang-liwayway ng buhay
ko’y nawala
Sa umpisa ay may pangakong di
kayang wasakin
Ngunit bakit sa huli luluha
ng sing alat ng asin
Nasaan ka na ngayon sinta
ko’t iniirog
Bakit ako’y iniwan sa likod
ng iyong alindog
Di mo na ba maalala mga
sandaling tayo’y magkasama
O sadyang nilimot mo na tamis
ng kahapon nating dalawa?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento