“KAY HIRAP
ABUTIN NG MGA TALA”
Rolando
H. Amboc Jr.
O kay sarap pagmasdan mga
matang nagniningning
Mga labing kasing pula ng mga
rosas sa hardin
Mga ngiti na sing-tamis ng mansanas sa Eden
At ang bawat kilos niya’y
siyang pagaspas ng mulawin
Kapara mo’y isang berhen na
walang kapantay
Sa ngiti mo palang lahat ay
napapadighay
Ni hindi makapikit sa katitingin sa iyo
Natatakot na mabura sa isipan
ang larawan mo
Ngunit bakit ganito ang
kapalaran sa mundo
Ika’y di raw pwede sa taong
tulad ko
Pagkat ako’y lupa lamang at
ika’y paraiso
Hanggang pagtingin na lamang
ba itong puso ko?
Kay sakit isipin na ako’y
bihag na iginapos
Sa batas ng kalikasan ako’y
di makakilos
Sa taas ng lipad mong di
maabot abot ng dukha
Sadya ngang kay hirap abutin
ng mga tala
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento